Ang Kilusan ng Makabayang Pilipino (pinaikli, KMP) ang pinakaunang partidong itinatag sa ePilipinas, bagamat nawala ang patrido ng ilang buwan, bago magbalik muli.
Layunin
Ang pangunahing layunin ng KMP ay ang panatilihing malaya at akitbo ang ePilipinas. Para matamo ito, narito ang mga detalyadong layunin:
* Pagpapabuti ng lagay ng mga mamamayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng:
- pagsasaayos ng imprastruktura
- transparensiya ng pamahalaan
- pagkakaroon ng pulitikal na katatagan
- pagsiguro ng karapatan sa isang patas at kumakatawan na pamahalaan
* pagpapanatili ng anim na orihinal na reihyon
* pagpapadala ng mga diplomatiko sa ibang bansa
* pangangalaga sa mga lokal na mangangalakal gamit ang buwis
Sa labas ng mga layuning ito, ang mga kasapi ng partido ay malaya sa kani-kanilang sariling opinyon.