Esim - A Public Apology
Login:
Password:

Forgot password Register

Article


39
   
Report


To whom it may concern,

Sa mga nakalipas na mga buwan, kayo ay naging saksi sa naging takbo ng aking buhay, sa e-Sim at sa RL. Nagkaroon ng mga magagandang ala-ala na tunoy na nakakapagpaligaya. Nagkaroon ng mga hindi magagandang pangyayari na naging hudyat ng hindi-pagkakaunawaan. Nagkaroon ng mga kaibigan na tunay na maaalagaan.

Ang nangyari sa IRC kamakailan lamang ay isa sa mga naging dagok sa akin buhay. Nadamay ang lahat ng tao sa kasalanan ng isang taong pilit kong itinatago para kapakanan ng lahat. Pilit kong itinatago ang sikretong ito at nilulutas ko sa abot ng aking makakaya para hindi na lumala pa ang sitwasyon. Akala ko magagawa ko ito, ngunit lumabas din ang taong pilit kong itinago at nagsalita nang kung anu-ano.

Nagkagulo. Nagkasiraan. Nagkawalaan ng tiwala. Nagkaiyakan. Nagkabwisitan. Lahat, naging biktima sa sikretong pilit kong itinago sa nakalipas na buwan. Ang taong pilit kong itinatago, ginawan ako ng mga kwentong nagpabilog sa mga tao dito Nagpanggap na bilang ako sa IRC habang ako'y masyadong abala sa iba-t-ibang bagay. Ipinagmukha na ako'y naospital.

Siguro nga, may mali sa akin. Nagpaloko ako sa isang taong walang hinangad kung hindi atensyon. Naging biktima ako ng taong sakim at walang inisip kung hindi ang sarili. Naging tanga ako sa hindi man lamang pagsuway sa kanya na mali ang kanyang ginagawa.

Sa huli, ako ang pinakatalo. Nagmukha akong sinungaling sa harap nang maraming tao. Nagmukha akong hindi kapani-paniwala sa ibang tao. Pilit kong kinausap ang mga taong nadamay sa gulo, ngunit ako'y nabigo. Hindi ko na nabigyan nang kahihiyan ang sarili ko. Pati ang mga mahal ko sa buhay dito sa e-Sim, hindi naniniwala sa akin. Hindi ko nabigyan ng pagkakataon na ipagtanggol nang husto ang aking sarili noong nagkaroon ako ng tsansang ipakita ito sa harap ng mga tao. wala na akong mukhang maihaharap sa mga tao. Nawala ang aking dignidad. Nawla na ang respeto ko sa saking sarili.

Gusto kong patunayan sa mga tao na ako'y naging isang biktima ng taong sakim at walang inintindi kundi ang sarili, ngunit hindi ko ito magawa, dala ng hiya, pagod at kakulangan ng lakas sa sarili. Oo, mahina ako. Lumalakas lang ako kapag ang mga kasama ko ay malalakas din. Pero yung mga itinuring kong mga haligi sa pagtayo ng pundasyon ko sa e-Sim, nangawala. Ang mga taong nasasandalan ko kapag may problema, nagsialis na sa aking tabi.

Sa ngayon, hindi ko alam kung anong maaari kong gawin bukod sa paghingi ng tawad - sa mga taong nasaktan ko, sa mga taong nagtiwala sa akin at sa mga taong itinuring ako bilang ehemplo sa paglalaro nila ng e-Sim. Sa ngayon, wala pa akong tulog, pilit na inaalam kung paano babangon sa nangyaring ito. Sa ngayon, wala pa akong kinakain mula noong magsimula ang pangyayaring ito, pilit na iniisip kung anong magandang paraan para makabawi sa mga taong naging parte na ng buhay ko dito sa e-Sim. Sa ngayon, hindi pa ako tumitigil sa pag-iyak dahil sa paulit-ulit na pinaalala ng utak ko kung anong nangyari noong mga sandaling iyon.

Umalis na daw ako sa laro at huwag nang magpapakita pa. Ipaban ang account na ito at magpahinga na sa paglaro ng e-Sim. Iyan ang mga binigay sa aking suggestions. Pasensya na at hindi ko ito magagawa. Aalis lang ako sa laro kapag alam kong maayos na ang lahat. Hindi ako magpapa-ban dahil alam kong may mga taong nakadepende pa rin sa akin at mawawalan ng kasama kapag ako'y umalis. Hindi ko magagawang umalis kapag ang mga iiwanan ko kay hindi pa maayos ang tingin sa akin. Ako ang taong hangga't maaari ay inaayos ang lahat na gusot bago sya umalis.

Sa totoo lang, mahirap huingi ng tawad kapag nag-iisa. Maraming beses nang nangyari sa akin ito. Parati akong nag-iisa. Maraming beses na akong humingi ng tawad sa ibang tao, ngunit hindi nila ako pinakinggan. Gusto kong iparating sa kanila na seryoso ako sa paghingi ng tawad, ngunit parang wala lang sa iibang tao. Naging severely depressed akong tao. Naging dahilan ito para ako'y magkakain (dahil na rin sa stress) at hindi na makabawi. Kaya napagpasyahan kong maglaro ng e-Sim - para lumaya sa mga problema ko sa RL, ngunit ito rin pala ang kahahantungan ko. Ang mas masama pa, hinahatak akong pababa ng isang taong walang hinangad kung hindi ang atensyon (nagselos, dahil mas inaasikaso ko pa ang e-Sim kaysa sa kanya - lumaking spoiled ng pamilya).

Sa mga nasaktan ko dito sa laro, humihingi po ako ng tawad, Sa mga nagtiwala sa akin, pero nabigo kong pangalagaan, humihingi po ako ng tawad. Sa mga malalapit sa aking buhay dito sa e-Sim, lalo na sa mga itinuring kong kapatid, lubos akong humihingi ng tawad. Alam kong mahirap magpatawad kapag ganito nang nangyari, ngunit sana maintindihan ninyo kung bakit ko ito nagawa. Pinilit kong ipagtanggol ang kapatid ko sa mga issue na pwedeng maidawit sa kanya. Pinilit kong maging tahimik at sumabay sa agos, ngunit nagawa pa nya akong siraan sa harap ng tao.

Muli, ako po'y humihingi ng tawad sa inyo. Nawa'y ako'y inyong mapatawad (kahit ang iba sa inyo'y hindi na). Pilipitin kong gawan ng solusyon ang lahat ng ito sa aking makakaya, bagamat maging matagal, depende sa tindi ng impact nito sa isang tao.

Previous article:
[PH/WW] OFFICIAL ANNOUNCEMENTS - WORLD WAR (ePH) (11 years ago)

Next article:
The Green Ghost of e-Sim (11 years ago)

ESim
or
Register for free:
Only letters, numbers, underscore and space are allowed (A-Z,a-z,0-9,_,' ')
Show more

By clicking 'Sign Up!', you agree to the Rules and that you have read the Privacy Policy.

About the game:


USA as a world power? In E-Sim it is possible!

In E-Sim we have a huge, living world, which is a mirror copy of the Earth. Well, maybe not completely mirrored, because the balance of power in this virtual world looks a bit different than in real life. In E-Sim, USA does not have to be a world superpower, It can be efficiently managed as a much smaller country that has entrepreneurial citizens that support it's foundation. Everything depends on the players themselves and how they decide to shape the political map of the game.

Work for the good of your country and see it rise to an empire.

Activities in this game are divided into several modules. First is the economy as a citizen in a country of your choice you must work to earn money, which you will get to spend for example, on food or purchase of weapons which are critical for your progress as a fighter. You will work in either private companies which are owned by players or government companies which are owned by the state. After progressing in the game you will finally get the opportunity to set up your own business and hire other players. If it prospers, we can even change it into a joint-stock company and enter the stock market and get even more money in this way.


In E-Sim, international wars are nothing out of the ordinary.

"E-Sim is one of the most unique browser games out there"

Become an influential politician.

The second module is a politics. Just like in real life politics in E-Sim are an extremely powerful tool that can be used for your own purposes. From time to time there are elections in the game in which you will not only vote, but also have the ability to run for the head of the party you're in. You can also apply for congress, where once elected you will be given the right to vote on laws proposed by your fellow congress members or your president and propose laws yourself. Voting on laws is important for your country as it can shape the lives of those around you. You can also try to become the head of a given party, and even take part in presidential elections and decide on the shape of the foreign policy of a given state (for example, who to declare war on). Career in politics is obviously not easy and in order to succeed in it, you have to have a good plan and compete for the votes of voters.


You can go bankrupt or become a rich man while playing the stock market.

The international war.

The last and probably the most important module is military. In E-Sim, countries are constantly fighting each other for control over territories which in return grant them access to more valuable raw materials. For this purpose, they form alliances, they fight international wars, but they also have to deal with, for example, uprisings in conquered countries or civil wars, which may explode on their territory. You can also take part in these clashes, although you are also given the opportunity to lead a life as a pacifist who focuses on other activities in the game (for example, running a successful newspaper or selling products).


At the auction you can sell or buy your dream inventory.

E-Sim is a unique browser game. It's creators ensured realistic representation of the mechanisms present in the real world and gave all power to the players who shape the image of the virtual Earth according to their own. So come and join them and help your country achieve its full potential.


Invest, produce and sell - be an entrepreneur in E-Sim.


Take part in numerous events for the E-Sim community.


| Terms of Service | Privacy policy | Support | Alpha | Luxia | Primera | Secura | Suna | Sora | Magna | Pangea | e-Sim: Countryballs Country Game
PLAY ON