Isang pagbati ng magandang araw mga kababayan.
Naririto ako ngayon upang ilathala ang resulta ng aking ginawang surbey sa aking huling artikulo noong last March 10. Pasensiya na po dahil natagalan sa paglabas ang resulta ng aking ginawang pananaliksik. Kakatapos lang po kasi ng mga thesis na inatupag ko sa RL.
****************************************************************************
Nahirapan ako sa pag-aanalisa ng resulta ng aking surbey. Ang lawak ng mga variations na nakuha ko kaya HINDI KO DIN MAIPAPANGAKO na accurate ang resulta na ilalabas ko lalo pa't 16 na tao lang ang nagbigay ng kanilang mga sagot.
Una kong napansin, mas nakadadaming lalaki pa din ang naglalaro ng e-Sim. Kung pagbabasehan ang official na census sa kung sinu-sino ang mga babae na naglalaro ng e-Sim na mamamayan ng ePilipinas, kaunting-kaunti lang sila.
[PUBLISHER'S NOTES: Sila ate Jaiace, ang chicks na si ate Ashna, si ate Maggy at si ate Nicole lang mga kilala kong babae dito eh.]
Sa mga pag-aanalisa ko din, maika-classify din sa dalawang uri ng manlalaro ang mga naglalaro ng e-Sim. 'Yung una, 'yung mga ginagawang pampalipas lang ng oras ang larong ito. Sila 'yung mga two-clickers lamang, tapos duma-damage din kapag may time, pero aware pa din naman sila sa mga nangyayari sa paligid nila dito sa e-Sim at paminsan-minsan, nagbi-BH Hunting din sila. 'Yung pangalawa naman, 'yung mga naglalaan na madaming oras para sa larong ito. Karaniwan na sila din ang mga madalas na laman ng IRC, mga Lider ng Pamahalaan, mga Military Commanders at mga maiingay na Redactors.
Pero kahit na sobrang lawak ang variance na nakuha ko sa aking surbey, may ilang bagay pa din naman na nagkaroon ng pagkakapareho o similarity sa mga naging sagot ng mga manlalarong nagbigay ng kanilang sagot.
Una, ang kanilang mga edad. Napansin ko na karamihan sa mga naglalaro ng e-Sim ay mga matatanda na, mga pawang nasa 20-30 ang edad. Sa RL, sila din 'yung mga karaniwang nasa working class na. May iilan pa din naman na mga estudyante kagaya ko at ng 4/16 na nagregister na mga students pa lamang daw sila ngunit iilan lamang. Isa sa mga maaring salik kung bakit ganito ay dahil napaka-kumplikadong laro ng e-Sim.
Pangalawa naman, ang access ng mga manlalaro sa technology. Karaniwan na ang mga manlalaro ng e-Sim ay nag-oonline ng mas mahigit sa dalawang oras (kung kagaya niyo ako na manunulat, kulang pa 'yung two hours).
Isa din sa mga napansin ko ay ang pagkakaroon ng mga political ideologies ng mga manlalaro dito sa e-Sim. Although mas nakararami ang mga demokratiko at liberal, may significant number ng mga manlalaro na may naiibang political ideology, partikular ang KOMUNISMO. Kahit ang mga hindi sineryoso ang surbey at nagbigay ng mga laughtrip na sagot kagaya nina Sir
Joey de Leon at Sir
Zenjo , noong dumako sa kanilang mga ideolohiyang politikal, ay naging seryoso sa kanilang pagsagot.
Pero sa lahat ng ito, may iisang bagay na halos pare-pareho sa lahat, 'yun ay ang nasyonalismo ng mga manlalaro. Iilan lang ang nagbigay ng mababang numero sa kung gaano nila kamahal ang bansa. Sa palagay ko din, bukod sa mga friendships na nabuo, isa 'yun sa mga driving force kaya marami ang patuloy na naglalaro ng e-Sim. Kaya nga ang karaniwang mga advertisements ng e-Sim FB page ay may kaugnayan din sa mga nangyayari sa International Relations sa totoong buhay (sigalot sa Spratlys, gulo sa Sabah at kung anu-ano pa).
[PUBLISHER'S NOTES: 'Yung sa Religion, hindi ko na sinama, what to expect sa isang bansa na predominantly ay Catholic.]
So, para i-summarize ang resulta ng ginawa kong surbey, ito 'yung mg karaniwang karakteristiks ng mga manlalaro ng e-Sim:
1. Laging ONLINE
2. Nationalistic
3. May POLITICAL IDEOLOGY
4. NASA 20-30 na ang EDAD (pwede din naman na mas bata basta madaling makakaintindi sa complexity ng larong ito.)
5. LALAKI (karaniwan din kasi ng mga karakteristiks na nabanggit ko sa itaas lalo na 'yung #2 at #3, karaniwan na nagma-manifest sa mga lalaki.)
****************************************************************************
Sa aking nakaraang artikulo, aking sinabi na ginawa ko ang pananaliksik na ito dahil may nais akong malaman. At ang malalaman ko sa pananaliksik na ito ay makakatulong ng husto sa ePilipinas.
Sa kasalukuyan, 700-900 lamang ang populasyon ng ePilipinas, may ilan pa sa mga ito ay hindi Pilipino sa RL kagaya nina Sir
dupi , Sir
Hekter , Sir
Set Leo at may iilan pa, although sa palagay ko ay unquestionable naman ang kanilang loyalty sa ating bayan.
Una sa lahat, bago ko talakayin ang dahilan ng aking pagkuha ng survey at kung ano ang maitutulong nito sa ePilipinas, sino ba muna sa inyo ang ayaw ng
5 GOLD na hindi gumagawa ng minions? Sino ba ang ayaw magkaroon ng medal partikular ang super-rare na
Inviter's Medal?
Sino ba ang ayaw na maging malakas bansa natin?
Ito ang dahilan ng aking pananaliksik, NAIS KONG MAKATULONG NA MAPALAKI ANG POPULASYON NG PILIPINAS NANG SA GAYON AY LUMAKAS DIN ANG BANSA NATIN.
Sa pamamagitan ng mga ibinigay kong konklusyon sa itaas, mas magiging madali na ngayon ang pagtukoy sa kung sinu-sino sa inyong mga kaibigan sa RL ang mga maaring maging manlalaro ng e-Sim. Sa dami ng mga gumagamit ng social networking account na Pinoy kagaya na lamang ng Facebook, sa palagay ko ay napakaliit pa ng bilang na 900 na kasalukuyan nating populasyon kung pagbabatayan ito.
Let's say na ikaw, na nagbabasa nitong artikulo na ito ngayon ay may 1000 kaibigan sa FB. Sa 1000 ito, baka may 1% o 10 tao ka na matukoy na may mga katangian na kagaya ng mga nasa ibinigay kong konklusyon sa itaas. Let's say na sa 10 ito na ipini-PM mo ay isa lamang ang magrerespond. Ok lamang iyon at huwag kang mag-alala dahil kung ang lahat ng 900 Filipino citizen ngayon ay gagawin ito, tiyak na
DODOBLE DIN ANG POPULASYON NG ePILIPINAS SA MISMONG ORAS NA ITO!
Fine example niyan ang Indonesia, mula sa 300-500 na populasyon nila dati, 3000 na sila ngayon dahil sa ginawang advertisement ng mga Admins ng game.
****************************************************************************
Ngunit bago ang lahat ng ito, sa palagay ko ay kailangan muna nating paghandaan at pagplanuhan kung saka-sakali man na gagawin natin ang hakbang na ito. Ito ay dahil marami sa mga nagiging produkto ng mga BABY BOOM ay bigla na lamang tumitigil sa paglalaro. Maaring sa 2000 na prdukto ng BABY BOOM, 1/4 o 500 lamang sa kanila ang magpatuloy para maging level 7 o pataas.
Dahil dito, nag-devise ako ng isang plano para solusyunan ang bagay na ito. Ito ay ang pagtatatag ng isa pang kagawaran. Ito ay ang DEPARTMENT OF EDUCATION.
Ang Kagawarang ito ang magtuturo sa mga basics na kailangang matutunan ng mga bagong manlalaro pati na din ang mga current events sa kung ano na ang narating ng ePilipinas. In the past kasi, maraming nagiging kaso na may baguhang player na bigla na lamang magsha-shout ng kung anu-ano sa eSim Shoutbox. Pagkatapos, nabu-bully 'yung bagong player na 'yun, minsan, pinagkakamalan pa na minions tapos hindi na maglalaro o kung maglalaro man, lurker lang.
[PUBLISHER'S NOTES: May nangyari dati na example ng namention ko. Natataandaan ko dati na nag-set ng Practice Battle si Sir
Revilo X sa Gyeonggi, South Korea. May bagong player na nag-shout na "talagang hindi daw uunlad ang Pilipinas kapag ganyan ang sistema". Ang masakit, imbes na may magpaliwanag, binully pa 'yung tao at sinabihan na minion daw siya. Ang problema pa, hindi ko na-PM at napaliwanagan 'yung tao dahil school time ko noon.]
Bukod pa dito, magbibigay din ang Kagawaran ng motivation at financial support sa pamamagitan ng loans sa mga bagong manlalaro upang mas mapabilis ang pag-acquire nila ng equipments na gagamitin para mas mabilis ang maging pag-angat nila ng ranggo.
Sa proposal ko, nais ko sana na itayo ito ng Pamahalaan in a form of an organization. Sa panayam ko kay Sir
Duoyiza , sinabi niya na nasa maximum limit na ang Pilipinas pagdating sa number ng organizations. 4 na ang organizations ng bansa pero 3 lamang ang karaniwang Org Limit.
[PUBLISHER'S NOTES: Kung hindi ako nagkakamali, ang mga existing na kagawaran ng bansa ay ang DFA (ang Presidente ang karaniwang naghahandle ng foreign affairs), DTI, DND (o ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas) at ang DoIC. Ang 4 naman ng Organizations ng Pilipinas ay ang
Philippines Org ,
Department of Trade and Industry ,
Armed Forces of the Philippines at ang
Philippine Constabulary .]
Dahil sa problemang ito, ipino-propose ko na palitan ang pangalan ng Philippine Constabulary ('yun ang pinaka-hindi ginagamit na Org bukod sa pagma-manage ng Hukbong Pang-himpapawid ng Pilipinas) at gawin itong Department of Education. Ito ang magsisilbing help center ng mga baguhang manlalarong ePilipino. Kung maisasakatuparan lamang ito, mas magiging maganda ang bunga ng mga BABY BOOM Projects na isasagawa natin sa hinaharap.
Nagkaroon na ng ganitong department 4 years ago, nirecycle ko na lang ang idea na ito. Sana mapagbigyan niyo ang proposal ko.
****************************************************************************
Salamat po sa mga nakiisa at nagbahagi ng kanilang mga sagot. Salamat din po sa mga nagbigay ng laughtrip na sagot gaya ni Sir
Joey de Leon at kay Sir
Zenjo .
Maraming salamat po.
Nilagdaan,
Angelo8828
Previous article:
Ikaw Na Ba Ang Hinahanap Namin? (3/13/14 Article 11) (11 years ago)
Next article:
PARANG MAY MALI (3/30/14 Article 13) (11 years ago)