Una sa lahat, gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng mga taong bumoto at sumurporta sa akin noong nakaraang halalan sa pagkakongresista. At muli, sa darating na ika-25 ng Pebrero,
nais ko muling tumakbo sa kongreso sa mga sumusunod na kadahilanan:
1)
Kakulangan sa dami ng aktibong mga kongresista sa e-Sim at sa IRC Channel
Sa kasalukuyang kongreso (17th Congress), mula sa 20, ay naging 17 na lamang ang mga kongresista sa ePH (ang dalawa sa tatlong nawala ay naban dahil sa pagkakaroon ng mga
multi accounts o mga accounts na ginawa para makalikom ng goldies mula sa mga reflinks, na sila din ang gumawa). Mula noon ay naging mas mahirap ang paglikom ng boto sa mga batas na nais maipasa ng gobyerno upang maisaayos ang ating bansa (sa karaniwan, kailangan ng 11 boto o ng mayorya (majority) ang isang batas upang maipasa ito sa kongreso). Mas lalo itong nagiging mahirap dahil ang iba sa mga kongresista ay hindi nagiging aktibo sa paglalaro ng e-Sim. Bagaman ang ilan sa kanila ay nasa IRC Channel, sila ay naka-idle lamang (online kahit wala naman talaga). Kaya noong magkaroon ng isang pagpupulong sa IRC Channel ng kongreso, LIMA (5) lamang mula sa 17 ang nakadalo, kasama ang inyong lingkod, bukod sa pangulo at mga piling gabinete.
CP
Rec 's face almost the same as Akashi's nung malaman nyang 5 lang ang nakaattend na congressman sa meeting.
At dahil na rin sa unti ng bilang ng mga aktibong miyembro sa kongreso (lalo na sa IRC), ang mga trabaho sa kongreso na dapat sana'y sila ang gumagawa ay napupunta sa mga taong natitira sa loob ng Batasan. Wala pa sa sampu (10) ang makikita mong kongresista na makikita mong aktibo talaga sa e-Sim at IRC. Dahil dito, nawawalan ng integridad at dangal ang kongreso.
2)
Kawalan ng tagabantay sa ePH
Kamakailan lamang, may mga gustong namabotahe (sabotage) sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtanggal sa lahat ng binebentang salapi ng PH Org sa Monetary Market. Maaari ninyong basahin ang artikulo ni
xiaoxiaolav tungkol dito:
[ePH] MONETARY MARKET HOAX *UPDATED* . Ang inyong lingkod, kasama si Cong.
Don Horhe , ay ang dalawang kongresistang nabanggit sa shout ng
Department of Trade and Industry o Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Habang ako ay nasa support channel ng Primera server upang kausapin ang mga Game Operators tungkol dito, siya naman ang nagbigay ng panandaliang lunas sa Monetary Market (dahil siya lang sa aming dalawa ang may sapat na salapi para mapantayan ang mga mapagsamantala).
Sa ibang taong tumulong sa pagsasaayos ng panandaling problema sa ekonomiya, may posisyon man sa gobyerno o wala, maraming salamat. Asahan nyo pong magiging mapagmatiyag ang mga uupo sa kongreso sa susunod na termino.
Naghihintay sa susunod na paglusob ng kalaban.
3)
Kakulangan/Kawalan ng mga taong mapagkakatiwalaan sa Kagawaran ng Kalakalan at Industriya at sa Sandatahang Lakas ng e-Pilipinas
Noong nakaraang buwan, nagkaroon tayo ng
Team National Cup , na kung saan, nanalo ang e-Pilipinas, kasama ang iba pang mga bansa, bilang mga kampeon. Naipamalas natin ang ating kaayusan at kahusayan sa pagclutch para maipanalo natin ang bawat round laban sa mga mas malalakas pang mga bansa tulad ng eUSA at eChina. Ang inyong lingkod ay nagsilbi bilang pangunahing tagabigay ng panustos ng Sandatahang Lakas ng e-Pilipinas sa pakikipagdigma sa mga manlalaro ng ePH. Kung saka-sakaling hindi ninyo naabutan o nakalimutan na ang naturang pangyayari, pwede ninyong basahin ang mga sumusunod na artikulo:
[PH] OFFICIAL ANNOUNCEMENTS (Team Cup - ePH) ,
[PH] TEAM CUP FINALS (ePH) , at
The Supply Officer's Hidden Diary (Team Cup Edition) .
Ngunit sa paglipas ng mga araw (hanggang sa kasalukuyan), nagiging masyadong abala ang mga Pandigmang Komandante (Military Commanders) at mga Tagapangasiwa sa Panustos (Supply Officers) sa Sandatahang Lakas ng e-Pilipinas. Sa tulong ni Cong.
kyoushuu , mas naging mas madali ang pamimigay ng panustos sa SLP. Pero hindi diyan natatapos ang mga gawain namin. Dahil na rin siguro sa taas ng requirements para maging MC at SO, walang makuhang ibang tao si CP
Rec para maging katuwang namin sa koordinasyon. Kaya hanggang ngayon, kami pa rin ang nangangasiwa.
PUSH!!!
Pagdating naman sa pangangasiwa ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya, nabigyan ng solusyon ang pagkukulang sa ilang mga produkto tulad ng Q1 weapons, Q5 food, at Q5 gifts. Ngunit sa aking pangkasalukuyang kalagayan (sa mga hindi nakakaalam kung anong nangyari sa akin, maaari ninyong basahin ang artikulong ito:
Life Beyond Death ), kailangan kong bumaba sa pwesto bilang kalihim ng nasabing departamento. Ngunit hangga't wala pa akong napipili na maaaring pumalit sa akin, ako muna ang hahawak ng DTI.
Sa mga nais maging kalihim ng DTI, maaari ninyong basahin ang mga kailangan upang makuha ang posisyons sa artikulong ito:
[PH/Eco] WANTED: DTI Secretary .
Nakakainip ding maghintay minsan ng kapalit... Hehe...
4)
Kakulangan sa pagbibigay ng kaalaman at impormasyon sa mga nangyayari sa e-Sim
Mula noong maluklok ako sa pwesto bilang isang kongresista, samu't-saring mga tanong at kumento ang aking natanggap, lalo na sa mga bagong manlalaro sa e-Sim. "Paano ang ganito?" "Saan makikita ang ganyan?" Sa tulong nila Cong.
Duoyiza , Cong.
JeffyDi ,
Precedex , at Cong.
Don Horhe , nabigyan ng kalinawan ang karamihan sa mga tanong nila. At sa nakalipas na Critical Hit event, naglimbag ako ng artikulo (
The Truth Behind The 100% Bonus Critical Hit Chance Event ) upang maging mas malinaw sa mga manlalaro kung ano nga ba ang naturang event na ito.
PANAWAGAN
*
Sa mga nais tumakbo sa pagkakongresista, kung sa tingin nyo ay isang birong posisyon lamang ang pagiging miyembro ng kongreso,
NAGKAKAMALI KAYO.
Ang pagiging isang kongresista ay nangangailangan ng kahusayan sa iba't ibang aspeto ng e-Sim, at minsan, inaabot ito ng mga ilang buwan bago makuha ito. Kung ang habol nyo lamang ay 5 Gold at Congressman Medal,
HINDI KAILANGAN NG e-PILIPINAS ANG MGA KATULAD NINYO. Ang isang kongresista,
handa dapat ialay ang kanyang sariling oras para sa mga trabahong kailangan niyang gawin at mga tungkuling kailangan niyang gampanan.
AT PARA NYO NANG AWA, HUWAG KAYONG GAGAWA NG MULTI PARA LANG MAKAKUHA NG BOTO AT MAKAPASOK SA KONGRESO. Nariyan parati ang NBI Director na si
sapiro1403v2 upang tignan kung kayo nga ba ay naging malinis o naging marumi sa pagtakbo nyo sa halalan.
*
Sa mga botante,
1) Alamin ang kanyang mga gustong mangyari sa bansa.
2) Kilatisin kung mapagkakatiwalaan ang isang kandidato o hindi.
3) Sukatin ang tibay ng panloob na katayuan ng isang kandidato.
4) Huwag padadala sa mga magagandang salita ng mga kandidato.
5) Huwag padadala sa suhol.
6) Bumoto nang naaayon sa konsensya, hindi dahil nadaan sa pangongonsensya.
Ang iyong boto ay magiging susi tungo sa kaunlaraan ng e-Pilipinas. Maaaring napakaliit kung ikukumpara sa laki ng populasyon ng ePilipinas, pero malaki ang magiging epekto nito sa magiging tahak ng bansa.
Huling paalala:
BUMOTO KAYO! Ipaglaban mo ang iyong karapatan bilang isang botante. Sa mga magtatangkang hindi boboto, huwag kayong magrereklamo sa mga taong mananalo kapag lumabas na ang resulta ng halalan. Magsasalita na lamang kayo kapag huli na ang lahat.
Ganyan ba ang taong may malasakit sa bayan; nagwawalang-bahala lamang sa panahong kailangang magpasya, tapos puro paninira na lamang ang bukambibig kapag wala nang magawa?
Sa mga boboto sa akin sa ika-25 ng Pebrero, at kung papalarin muli, hindi ko po sasayangin at sisirain ang inyong tiwalang ibibigay sa akin kapag ako'y naluklok sa pwesto. Kung sakali mang di na ako palarin sa pagtakbo sa kongreso, ako pa rin ay bukas sa gobyerno kung sakaling kailangan nila ang aking tulong sa kung anumang bagay.
Kahit duguan at nahirapan, tuloy pa rin ang laban.
Maraming Salamat po sa inyong pagbabasa at Mabuhay ang bansang e-Pilipinas!!!
Sumasainyo,
edg19
mamamayan ng e-Pilipinas
Miyembro, ika-17 Kongreso ng e-{ilipinas
Kalihim, Kagawaran ng Kalakalan at Industriya
Tagapangasiwa sa Panustos, Sandatahang Lakas ng e-Pilipinas
Miyembro, National Union of Journalists of ePhilippines
Papasa na ba ang picture ko sa resume??? Hehe.
That's all for now...
^_^
Previous article:
The Truth Behind The 100% Bonus Critical Hit Chance Event (12 years ago)
Next article:
Protect The Integrity Of The Congress!!! (11 years ago)