The e-Philippine State Military Units (Hukbong Katihan, Hukbong Dagat, Hukbong Himpapawid, and Akademiyang Militar) are looking for more members!!!
*
Ano ang isang State Military Unit?
Ang isang State Military Unit (MU) ay isang grupong pangmilitar na naglalayong protektahan ang kanilang bansa, ang mga nasasakupan nito, at kaniyang mga kaalyado sa paraan ng pakikipaglaban.
Ang mga panustos (supply) nila ay nagmumula sa gobyerno. Bilang kapalit sa natamong mga panustos, kailangan nilang makipaglaban sa ngalan ng kanilang bansa sa abot ng kanilang makakaya.
Sa e-Pilipinas, mayroong apat na State MUs:
1)
Hukbong Katihan ng Pilipinas
Ang Hukbong Katihan ng Pilipinas (Katihan o HKP) ay ang pangunahing State MU sa e-Pilipinas. Sa kasalukuyan,
ang Katihan ay isa nang Elite MU na nagbibigay ng dagdag
dalawampung porsiyento (20%) sa pinasalang binibigay ng sinumang lalaban na naayon sa Battle Order o BO.
Sa panahong ginawa ang artikulong ito, may 34 na miyembro ang Katihan (ang isa ay isang Org). Sila ay ang mga piling mga sundalo na handang ialay ang kanilang sarili sa lahat ng oras, para sa ikatatagumpay ng e-Pilipinas sa larangan ng pakikipagdigma.
2)
Hukbong Dagat ng Pilipinas
Ang Hukbong Dagat ng Pilipinas (Dagat o HDP) ay ang pangalawang pinakamataas na State MU sa e-Pilipinas. Sa kasalukuyan,
ang Dagat ay isang Veteran MU na nagbibigay ng dagdag
labinlimang porsiyento (15%) sa pinasalang binibigay ng sinumang lalaban na naayon sa Battle Order o BO.
Sa panahong ginawa ang artikulong ito, may 33 na miyembro ang Dagat (ang isa ay isang Org). Katulad ng sa Katihan, sila ay ang mga piling mga sundalo na handang ialay ang kanilang sarili sa lahat ng oras, para sa ikatatagumpay ng e-Pilipinas sa larangan ng pakikipagdigma.
3)
Hukbong Himpapawid ng Pilipinas
Ang Hukbong Himpapawid ng Pilipinas (Himpa o HHP) ay ang pangatlong pinakamataas na State MU sa e-Pilipinas. Sa kasalukuyan,
ang Himpa ay isang Regular MU na nagbibigay ng dagdag
sampung porsiyento (10%) sa pinasalang binibigay ng sinumang lalaban na naayon sa Battle Order o BO.
Sa panahong ginawa ang artikulong ito, may 30 na miyembro ang Himpa (ang isa ay isang Org). Katulad ng sa Katihan at Dagat, sila ay ang mga piling mga sundalo na handang ialay ang kanilang sarili sa lahat ng oras, para sa ikatatagumpay ng e-Pilipinas sa larangan ng pakikipagdigma.
4)
Akademiyang Militar ng Pilipinas
Ang Akademiyang Militar ng Pilipinas (Akademiya o AMP) ay ang pinakamababa na State MU sa e-Pilipinas pagdating sa estado. Bagamat pinakamababa,
ang Akademiya ay isang Novice MU na nagbibigay ng dagdag
limang porsiyento (5%) sa pinasalang binibigay ng sinumang lalaban na naayon sa Battle Order o BO.
Sa panahong ginawa ang artikulong ito, may 100 na miyembro ang Akademiya (ang isa ay isang Org). Hindi tulad sa tatlong unang nabanggit na MU, malayang nakakasali at nakakaalis ang mga miyembro ng Akademiya.
*
Anu-ano ang mga kailangan para makasali?
1)
Hukbong Katihan
- isang lehitimong mamamayan ng e-Pilipinas
- may lakas na hindi bababa sa isang libo (1K+ strength)
- may kabuuang pinsala na hindi bababa sa 20 milyon (20M minimum damage)
- walang miss chance (0% miss)
- kailangang magtrabaho sa isa sa mga kumpanya ng Armed Forces of the Philippines o AFP na may sahod na 1
PHP (must go under commune)
- aktibo sa IRC gamit ang IGN dito sa e-Sim
>>> Sa ngayon ay sarado ang pagtanggap ng mga miyembro patungo sa Katihan, pero maaaring magtanggap kung ikaw ay inirekumenda o itinaas ng ranggo mula Hukbong Dagat.
2)
Hukbong Dagat
- isang lehitimong mamamayan ng e-Pilipinas
- may lakas na hindi bababa sa isang libo (1K+ strength)
- may kabuuang pinsala na hindi bababa sa sampung milyon (10M minimum damage)
- hindi ubligadong magtrabaho sa isa sa mga kumpanya ng Armed Forces of the Philippines o AFP na may sahod na 1
PHP (not required to go under commune)
- aktibo sa IRC gamit ang IGN dito sa e-Sim
>>> Maaari ring maging miyembro patungo sa Dagat kung ikaw ay ibinaba ng ranggo mula sa Katihan o itinaas ng ranggo mula sa Hukbong Himpapawid.
3)
Hukbong Himpapawid
- isang lehitimong mamamayan ng e-Pilipinas
- walang pinakamababang lakas na kailangan (no minimum strength required)
- may kabuuang pinsala na hindi bababa sa limang milyon (5M minimum damage) o kaya naman ay napakaaktibo sa pakikipaglaban
- hindi ubligadong magtrabaho sa isa sa mga kumpanya ng Armed Forces of the Philippines o AFP na may sahod na 1
PHP (not required to go under commune)
- aktibo sa IRC gamit ang IGN dito sa e-Sim
>>> Maaari ring maging miyembro patungo sa Himpapawid kung ikaw ay ibinaba ng ranggo mula sa Katihan o Dagat o kaya naman ay itinaas ng ranggo mula sa Akademiya.
4)
Akademiyang Militar
- ang Akademiya ay para sa mga bagong mamamayan ng e-Pilipinas na nagsasanay sa pakikipaglaban, para sa pagtatanggol sa bansa, sa kanyang mga nasasakupan, at sa kanyang mga kaalyado.
- walang pinakamababang lakas na kailangan (no minimum strength required)
- walang pinakamababang pinsala na kailangan (no minimum damage required)
- hindi kailangang magtrabaho sa isa sa mga kumpanya ng Armed Forces of the Philippines o AFP na may sahod na 1
PHP (not required to go under commune)
*
Anu-ano ang mga benepisyo kung saka-sakaling matanggap ako?
1)
Sa mga wala sa commune
a. dagdag porsiyento sa pakikipaglaban kapag lumaban na ayon sa sa kautusan ng kahit ano sa apat na MU (Battle Order o BO).
2)
Sa mga nasa commune
a. dagdag porsiyento sa pakikipaglaban kapag lumaban na ayon sa sa kautusan ng kahit ano sa apat na MU (Battle Order o BO).
b. panustos (supply) galing sa Commune - 10 Q5 food at 2 na Q1 ticket
c. dagdag na panustos (battle supplies)
BATTLE SUPPLIES
Maaari lamang makahingi ng battle supplies ang isang miyembro Hukbong nasa ilalim ng sistemang Commune sa coordination channel ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Pumunta lamang sa IRC at hanapin ang
#e-sim.ph.afp. Makipagkita muna sa sinumang Military Commander o Supply Officer na online bago manghingi ng supplies.
Narito ang mga maaaring makuhang panustos sa AFP Channel:
>>> Mga Hukbo ng Pilipinas (Katihan, Dagat, Himpapawid)
> Q5 Food (kapag medium at high prio lamang)
- kapag walang Q5 house - 0 (5 kapag magmo-motivate at High Prio)
- kapag may Q5 house - 5 (10 kapag magmo-motivate at High Prio)
> Q5 Gifts (kapag high prio lamang)
- kapag walang Q5 estate - 10
- kapag may Q5 estate - 15
> Q1 Weapons (kapag medium at high prio lamang) - Limang beses na kasing dami ng limits
- kapag normal (walang Q5 house at Q5 estate) - 100 (125 kapag magmo-motivate at high prio)
- kapag may Q5 house o Q5 estate - 125 (150 kapag magmo-motivate at high prio)
- kapag may Q5 house at may Q5 estate - 150 (175 kapag magmo-motivate at high prio)
> Q1 Tickets (hahit anong prio)
- 0 (may binibigay nang 2 Q1 tickets sa pang-araw-araw na supplies), pero maaaring bigyan pa ng sobra sa 2 kung kinakailangan
> Motivation (kapag high prio lamang)
- hanggang 15 na Q1 weapons lamang ang pwedeng ibigay sa sinumang gustong mag-motivate ng 5 bagong player
>>> Akademiyang Militar ng Pilipinas
> Q5 Food - 10
> Q1 Weapons - limang beses na mas malaki sa limits (50)
*
Anu-ano ang mga patakaran kung saka-sakaling matanggap ako?
1) Sumunod parati sa Battle Order (BO). Kung walang nakatalagang BO, lumaban sa panig ng e-Pilipinas, sa kanyang mga nasasakupan, at sa kanyang mga kaalyado.
2) Mariing inaanyayahan ang mga miyembro na tumira kapag T-2.
3) Mariing pinapayuhan ang mga miyembro na matutong mag-clutch.
4) Sa mga nagtatrabaho sa ilalim ng sistemang Commune, pinapayuhan ang mga tao na magtrabaho parati upang makatanggap ng pang-araw-araw na panustos sa pakikipaglaban.
Ano pang hinihintay ninyo? Sali na!
Sumasainyo,
edg19
Opisyal at Direktor ng Tauhan, Hukbong Katihan ng Pilipinas
Tagapamahala sa Panustos, Sandatahang Lakas ng Pilipinas
PS. Maraming salamat kay doc
Precedex sa paggawa ng GIF sa artikulong ito.
Previous article:
[PH/Eco] What's On Your Mind, Capitalist? (12 years ago)
Next article:
[PH/Pol] The Story of the Misheard (12 years ago)