Marami ang kayang alamin ng isang tao gamit ang iba't-ibang mga kaparaanan: pagtatanong, pagsasaliksik, o kung minsan, sa simpleng pagtingin sa mga ito. Hindi maiiwasan ng isang tao, lalo na ng isang Pilipino, ang maging mapagmatiyag (observant) sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kanyang sarili at sa kanyang paligid. Ang isang Pilipino ay hindi titigil hangga't hindi niya nakukuha ang kanyang gusto at hangarin.
Kamakailan lamang, may kumausap sa akin sa IRC (sa mga hindi nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng IRC, ito ay Internet Relay Chat) tungkol sa naisulat kong artikulo tungkol sa Panawagan Sa Mga Nag-aaway Sa IRC . Itago na lamang natin siya sa pangalang "Observer" (ayon na rin sa ginamit niyang pangalan sa IRC).
Nakita ni "Observer" ang lahat ng nangyari sa IRC noong gabi ng Setyembre 30, 2013, isa sa mga matitinding nangyari sa IRC mula noong nagsimula akong maglaro ng e-Sim. Kinuwento niya sa akin ang lahat ng kanyang nakita at napansin kagabi. Kahit hindi ko nalaman ang kanyang pangalan sa e-Sim o nakita ang kanyang mukha, bakas sa kanyang mga salita ang pagkadismaya. Hindi niya inakalang nagkaroon ng ganitong katinding pangyayari sa isang usapang na ayon sa kanya ay dapat maayos. Nabatid din niya ang kanyang kalungkutan sa mga taong nasangkot sa gulo kagabi na ayon sa kanya ay dapat "accomodating at patient." Dagdag pa niya, napansin din niya na kung sino pa ang mga nasa katungkulan sa pamamahala ng ePilipinas, ay sila pa ang nangunguna sa away sa imbis na makatulong sa pagtigil ng sigalot.
Isa ang napansin ko kay "Observer". NATATAKOT SIYANG SABIHIN ANG KANYANG NALALAMAN. Natatakot siya na baka mangyari rin sa kanya ang nangyari kagabi. Natatakot siyang makatanggap ng mga salitang hindi angkop na nakuha ng isang "taong gusto lamang sabihin ang kanyang hinaing."
Anong gusto kong iparating dito? May mga tao na sa tingin ng nakararami ay masaya, pero sa katotohanan, ay naghihinagpis. May mga tao na sa tingin ng nakararami ay walang problema, pero ang totoo, may balak na palang magpakamatay dahil hindi nila makita ang solusyon sa kanilang mga problema. Iisa lang naman ang hinahangad ng mga tao na ganito ang nararamdaman: ANG MAGKAROON NG KATUWANG SA BUHAY AT MAPAGSASABIHAN NG KANILANG MGA SALOOBIN, AT TAYO IYON.
Siguro nga sa ibang pagkakataon ay hindi nating mapigilan ang ating sarili kapag tayo ay nagigipit, nahihirapan, o kaya naman ay naaagrabyado. Nagwawala, nagiging desperado, nagiging bayolente. At sa kabila ng ating ginagawa, may taong parating nagmamasid: tinitignan ang bawat kilos na ating ginagawa, bawat salita na ating binibigkas, at bawat desisyon na ating nakukuha sa lahat ng nangyayari sa atin. At dahil na rin siguro sa mga aksyon na sa tingin nila ay hindi tama o kaya naman ay hindi akma sa kanila, sila'y nanghihinayang, nadidismaya, nalulungkot, o kaya naman, sa kaso ni "Observer", natatakot.
Si "Observer" ay iisa lamang sa mga taong nahihirapang sabihin ang kanilang gustong iparating sa tao. Kailangan pa niya akong kausapin nang pribado para lang masabi ang kanyang saloobin. Maaaring natrauma sa nangyari kay Proletaryado, kay FightPH, o sa mga taong kanilang nasaktan habang sila ay naghihimutok. Maaaring nahihiya dahil baka kung anong sabihin ng ibang tao sa kanila. Kahit ako nakaranas ng ganito (hindi nga lang sa e-Sim), kaya alam ko kung anong nararamdaman nila habang nakikita nila ang lahat ng bagay na hindi nila ginusto.
Bilang mga ePilipino, bigyan sana natin ng pagkakataon ang mga taong hindi kayang magsalita nang tuwid dahil sa takot o kaya naman ay hindi makatayo sa sarili nilang paa. Pakinggan natin ang kanilang mga nagsusumigaw na tinig. Malay mo, isa pala sila sa mga makakatulong nang malaki sa ikauunlad ng ePilipinas. Tulungan natin silang tahakin ang tamang landas tungo sa paglalaro ng e-Sim para sila mismo ay makatulong din sa iba. Huwag ipagdamot ang nalalaman sa mga taong salat pa sa karunungan at wala pang alam sa paglalaro sa e-Sim. Itaguyod natin ang isang ePilipinas na ang lahat ng tao ay walang problema sa isa't-isa.
Kung may mga taong nagkakamali, bakit hindi natin sila itama sa maayos na paraan? Kung may mga taong naliligaw ng landas, bakit hindi natin silang tulungang hanapin ang tama para sa kanila? Kung may mga taong natatakot magsalita, bakit hindi natin sila bibigyan ng lakas para mailahad nila ang kung anumang dapat nilang sabihin?
Sa huli, sa atin din babagsak ito. Paanong uunlad ang ePilipinas kung ang mga ePilipino ay watak-watak? Paano gaganda ang ating bansa kung ang mga tao ay hindi nagtutulungan? Gusto ba nating mangyari sa ePilipinas ang nangyari at nangyayari sa ibang bansang nagsisibagsakan sa kamay ng mga mananakop? Oo nga't marami tayong mga ePilipino dito, kung wala namang pagkakaisa, ay wala ring mararating.
Gusto kong makita ang ePilipinas na sobrang tapang at sobrang lakas dahil ang mga ePilipino ay nagkakaisa. Kahit anumang giyera, RW (Resistance War) o kaya naman ay pananabotahe ng mga dayuhan sa ekonomiya ang bumangga kay inang bayan, mapagtatagumpayan pa rin natin ito dahil tayo ay nagtutulungan. Gusto kong makita na kapag nalaman ng mga tao na ikaw ay isang ePilipino, ikaw ay kanilang hahangaan.
If I change, everything changes.
Sa iyo magsisimula yan kapatid. Walang magbabago sa bansa kung ikaw mismo ay hindi magbabago tungo sa maganda at maayos na ePilipinas.
In E-Sim we have a huge, living world, which is a mirror copy of the Earth.
Well, maybe not completely mirrored, because the balance of power in this virtual world looks a bit
different than in real life. In E-Sim, USA does not have to be a world superpower, It can be
efficiently
managed as a much smaller country that has entrepreneurial citizens that support it's foundation.
Everything depends on the players themselves and how they decide to shape the political map of the
game.
Work for the good of your country and
see it rise to an empire.
Activities in this game are divided into several modules.
First is the economy as a citizen in a country of your choice you must work to earn money, which you
will get to spend for example, on food or purchase of weapons which are critical for your progress
as a fighter.
You will work in either private companies which are owned by players or government companies which
are owned by the state.
After progressing in the game you will finally get the opportunity to set up your
own business and hire other players. If it prospers, we can even change it into a joint-stock
company and enter the stock market and get even more money in this way.
In E-Sim, international wars are nothing out of the ordinary.
"E-Sim is one of the most unique browser games out there"
Become an influential politician.
The second module is a politics. Just like in real life politics
in E-Sim are an extremely powerful tool that can be used for your own purposes.
From time to time there are elections in the game in which you will not only vote, but also have the ability
to run for the head of the party you're in.
You can also apply for congress, where once elected you will be given the right to vote on laws
proposed by your fellow congress members or your president and propose laws yourself.
Voting on laws is important for your country as it can shape the lives of those around you.
You can also try to become the head of a given party, and even take part in presidential
elections and decide on the shape of the foreign policy of a given state
(for example, who to declare war on).
Career in politics is obviously not easy and in order to succeed in it, you have to have
a good plan and compete for the votes of voters.
You can go bankrupt or become a rich man while playing the stock market.
The international war.
The last and probably the most important module is military.
In E-Sim, countries are constantly fighting each other for control
over territories which in return grant them access to more valuable raw materials.
For this purpose, they form alliances, they fight international wars, but they also have
to deal with, for example, uprisings in conquered countries or civil wars, which may explode on
their territory.
You can also take part in these clashes, although you are also given the opportunity to lead a life
as a pacifist
who focuses on other activities in the game (for example, running a successful newspaper or selling
products).
At the auction you can sell or buy your dream inventory.
E-Sim is a unique browser game.
It's creators ensured realistic representation of the mechanisms present
in the real world and gave all power to the players who shape the image of the virtual Earth
according to their own.
So come and join them and help your country achieve its full potential.
Invest, produce and sell - be an entrepreneur in E-Sim.
Take part in numerous events for the E-Sim community.