Narito na ang ikalawang artikulo ng e-Sim for New Players series! (Binago ko name, explanation sa isang future article) Dapat ito ang una, pero matagal nang nire-request sa 'kin nina
bad burn at
botitor_23 yung contracts article
Ito'y 23 days in draft, enjoy (sana)
Sensya na kung napakahaba
Tungkol naman sa mga Military Units ang artikulong ito! Maraming new players ang nagbabale-wala sa napakaimportanteng bagay na ito.
Ano ba ang Military Unit?
Ang mga Military Unit ay ang tawag sa mga grupo ng mga players sa e-Sim, tulad ng mga Guild o kung anu-ano pang tawag nito sa ibang laro

. Tinatawag ding MU.
Bakit magandang sumali sa isang MU?
1. Kung lalaban ka sa nakatakdang Battle Order ng iyong MU, may bonus damage depende sa Military Rank nito (Novice - 5%, Regular - 10%, Veteran - 15%, Elite - 20%).
2. Malaking oportunidad ito upang magkaroon ng mga bagong kaibigan, lalo na kung may sariling IRC Channel ang iyong MU.
3. May mga MU na nagbebenta ng mas murang supplies kumpara sa Product Market

.
4. Posibleng makapagbigay ang isang MU ng mas maraming supplies kaysa bumili sa Product Market gamit ang perang nakukuha mo mula sa iyong trabaho.
Anu-ano ang mga dapat kong malaman bago mag-apply sa isang MU?
* Commune - ibig sabihin ay magta-trabaho ka sa isang company ng iyong MU sa pinakamababang suweldo (usually 1
PHP ) at bilang kapalit nito ay bibigyan ka ng supplies kapag nag-work ka. Kalimitan nang kinabukasan after mong mag-work mari-receive ang supplies.
* Nationality - maging ang mga MU ay may sariling nationality, at maaari ring i-set kung kailangang parehas ang nationality para makasali. Dapat alam mo ang nationality at required member nationality ng MU para madali mong mahanap ito sa pag-a-apply.
* Hindi ka pwedeng mag-apply kung may MU ka na. Kailangan mo munang umalis sa iyong MU. Kung nais mong lumipat, kausapin mo muna ang leader o ibang miyembro ng iyong napiling MU upang masiguro mong makakapasok ka.
* After mong sumali ng isang MU, 3 days pa bago ka makakasali ulit sa ibang MU. Kaya siguraduhin mo munang gusto mo talagang sumali sa isang MU bago ka mag-apply!
* Pwede ka lamang mag-apply sa isang MU. I-cancel mo muna ang iyong application kung gusto mong sumali sa iba.
* Humingi ng payo sa iba upang masigurong sa isang aktibong MU ka mapupunta, at ito'y napapamahalaan ng maayos.
Kailan ako dapat sumali sa isang MU?
As soon as possible. Malaking tulong ang mga MU sa pagtaas ng ranggo.
Paano sumali sa isang MU?
Una ay i-click ang My Places > Military Unit sa menu sa itaas ng page...
O kaya naman ay ang Military Unit button sa shortcuts sa sidebar na nasa kanan.
Next ay i-click ang "Join existing one".
May lalabas na page na listahan ng mga MU na open for recruitment. Ang mga MU ay nakalista sa ganitong order:
* Mga MU na kaparehas mo ng nationality at open para lamang sa kaparehas mo ng nationality. (in short, Philippines ang base country and for Filipinos only.)
* Mga MU na kaparehas mo ng nationality pero open para sa lahat ng nationality. (in short, Philippines ang base country pero open sa lahat)
* Mga MU na iba ang nationality pero tumatanggap ng kahit anong nationality. (in short, Foreign MU pero tumatanggap ng kahit anong nationality)
Sa bawat grupo ay arranged alphabetically ang mga MU ayon sa pangalan. Makikita sa kanan ng pangalan ng MU ang mga requirements upang sumali. Kung hindi ka pasado, 'wag mo nang ipilit

.
Sunod ay i-click ang link na Apply sa kanan kung may napili ka nang MU.
Pagkatapos i-click ito, may lalabas na page. Sa taas nito ay naka-display ang impormasyon tungkol sa napili mong MU.
(Nakikita niyo ba ang Recruitment na link? Kung sakaling nasa page na kayo ng MU, pwedeng i-click niyo na lang ito at sundin ang mga susunod na instructions.)
Kasunod nito ay makikita mo naman ang requirements na hinihingi ng MU.
Sa baba naman nito ay isang lugar kung saan maaari mong isulat ang iyong request na sumali sa MU.
Sa baba ng box na ito ay listahan ng mga pending na applications sa MU.
Ngayon ay isulat mo na ang request mo at i-send ito sa pamamagitan ng pag-click sa "Send Application" button. Tandaan na mas seryoso ang mensahe, mas posibleng tanggapin ka ng iyong napupusuang MU

.
After mai-send ang application, ganito naman ang lalabas.
Kung sakaling may mga dagdag na instruction sa requirements, gawin din ang mga ito.
Ngayon ay hihintayin mo na lang na matanggap ka ng MU na napili mo. May mare-receive ka na notification tulad nito kapag natanggap ka:
Paano kung gusto kong ikansela ang application ko?
Una ay i-click ang My Places > Military Unit sa menu sa itaas ng page...
O kaya naman ay ang Military Unit button sa shortcuts sa sidebar na nasa kanan.
Then i-click ang "Cancel application" button.
Paano kung gusto kong umalis sa aking MU?
Una ay i-click ang My Places > Military Unit sa menu sa itaas ng page...
O kaya naman ay ang Military Unit button sa shortcuts sa sidebar na nasa kanan.
Lalabas ang impormasyon tungkol sa iyong MU sa pinakataas na pane. I-click ang "Leave military unit" button.
Mga Military Units ng Pamahalaan ng Pilipinas
May mga State MU's ang Pilipinas na siyang nagtatanggol sa bansa at sa mga kaalyado nito. Libre ang entrance sa mga ito kung may recommendation ka (i.e. dahil active ka sa IRC, etc.). Nilagay ko ang application handlers as of Day 845 para alam niyo kung sino ang tatanungin kung nais niyong mag-apply (Last Update: Day 851).
Tandaan na mahigpit na pinagbabawal ang paglaban kontra sa bansa at allies sa mga State MU, unless may permiso ka - ang mga State MU ang agad na tinitingnan ng iba kung mapagkakatiwalaan ang isang bansa sa mga usaping militar. Pangalan ng bansa ang marurungisan ng mga pasaway!
Akademiyang Militar ng Pilipinas
Novice
Ang military unit para sa mga bagong players! Libre ang entrance (unless wala nang slot). Walang commune.
Namamahala sa applications:
Rec ,
harold1022pc ,
JohnMart
Hukbong Himpapawid ng Pilipinas
Regular
Ang pinakabagong State MU ng bansa! Kapag 1 million na ang damage niyo, maaari na kayong lumipat sa MU na ito. May bayad na 10G as entrance fee, or free with recommendation basta active. Wala pang commune at hindi pa sigurado kung magkakaroon man.
Namamahala sa applications:
Rec ,
kyoushuu ,
Redminus the Ancient Cultivator (?)
Hukbong Dagat ng Pilipinas
Veteran
Kapag 5 million na ang damage niyo, maaari na kayong lumipat sa MU na ito. May bayad na 10G as entrance fee, pero tumatanggap ng libre by recommendation kung active. Ikaw ang bahala kung gusto mong mag-commune.
Namamahala sa applications:
Rec ,
kyoushuu ,
Rheinand
Hukbong Katihan ng Pilipinas
Elite
Kapag 10 million na ang damage niyo, dito na kayo pwedeng lumipat. Libre ang entrance dito (unless wala nang slot, pero libre din kung may recommendation). Required ang commune. Required din na registered kayo sa IRC.
Namamahala sa applications:
Rec ,
kyoushuu ,
deathclock18 Mga Pribadong Military Units sa Pilipinas
Meron ding mga pribadong MU sa Pilipinas, check niyo na lang sa Statistics > Military Unit Stats sa menu. Pwedeng magtanong din kayo sa iba para malaman niyo kung saan magandang mag-apply.
Merong ilang dagdag na impormasyon tungkol sa mga MU sa article na
ito .
kyoushuu 's recommended Private MU's:
Pirate Army (V)
Junji Battalion (E)
Pinguim Flu (E)
COMMANDOS (E & V) Salamat kay
Yamamoto Takeshi na siyang naging sponsor ng pahayagang ito
Previous article:
Contracts for New Players! (12 years ago)
Next article:
#primera.ph channel shutdown (12 years ago)