Login:
Password:

Forgot password Register

Article


32
   
Report




Ito na ang pinakaunang artikulo ng e-Sim for New Players series, ang Contracts for New Players! Marami ding matagal nang naglalaro ang hindi nakakaalam nito dahil mahirap intindihin ang contracts, kaya para din sa inyo 'to!

Ang artikulong ito ay tungkol sa mga kontrata sa e-Sim: kung paano gumawa, tumanggap at tumanggi sa isang kontrata; pagpapautang at pagbabayad nito at iba pa.

Upang magawa ang mga bagay na nakasaad dito, pumunta muna sa Contracts page sa pamamagitan ng pag-click sa My Places > Contracts sa menu sa itaas.

Bakit dapat kang gumamit ng Kontrata?

Ang mga kontrata ay mas maigi kaysa sa direktang pag-donate sa maraming dahilan:
1. Makakasiguro kang tutupad sa inyong usapan ang kabilang panig kung tanggapin nila ang kontrata
2. Mas madali kang matutulungan ng mga administrator kung may manloko man sa 'yo
3. Maaari kang magpautang o mangutang
4. Maaari kang magbenta ng iyong mga equipment nang direkta (walang bidding)
5. Madaling magagawa ang isang transaksyon sa maraming tao

Ang kagandahan ng kontrata kumpara sa pagbebenta sa market:
1. Walang tax

Ang ilan sa hindi kagandahan nito ay:
1. Mahirap itong intindihin sa simula
2. Nangangailangan ng mas mahabang panahon ang paggawa ng isang kontrata kumpara sa direktang pag-donate

Ang mga sumusunod ay hindi maaaring maging laman ng isang kontrata:
1. Equipment na hindi iyo
2. Kumpanya
3. Stock
4. Medkit

Paggawa ng Kontrata

Bilang halimbawa ay magbebenta ako ng 10 q5 gifts sa isang miyembro ng KKK sa halagang 2.65G. Ang 1.65G dito ay magiging utang na dapat bayaran sa loob ng pitong araw.

Paalala: Kung wala pa sa friends list mo ang kabilang panig sa kontrata, i-add mo muna siya. Maaari ka lamang mag-propose ng kontrata sa mga nasa friends list mo.

Upang gumawa ng isang bagong kontrata, pumunta sa seksyong "Templates" sa Contracts page. I-click ang "Create new template" sa pinakababa nito. Ilagay sa box na lalabas ang titulo ng kontrata at i-click ang "Create template" na button.


Ito naman ang lalabas pagkatapos gawin ang isang template:


Ang una namang gagawin ko ay ilagay na kailangan kong mag-donate ng 10 q5 gifts dahil iyon ang ibebenta ko. Sa "Add new element to the contract" section:
1. Piliin ang iyong pangalan sa "Side"
2. Piliin ang "Product" sa "Item type"
3. Ilagay kung ilang produkto ang nais ibigay sa "Product quantity"
4. Ilagay ang uri ng produkto sa "Product type"
5. Ilagay ang quality ng produkto sa "Product quality"
6. I-click ang "Add item" na button


Sunod naman ay ang magiging kapalit ng ibibigay ko.

Dahil nais kong mabayaran agad ang 1G ng kabilang panig, ito naman ang kailangang gawin:
1. I-click ang "Dummy citizen" sa "Side"
2. I-click ang "Money" sa "Item type"
3. Ilagay kung anong uri ng pera ang ibabayad (i.e. Gold) at ilagay kung ilan nito ang dapat i-donate ng kabilang panig
4. I-click ang "Add item" na button


Sunod naman ay ang paglalagay ng utang:
1. I-click ang "Dummy citizen" sa "Side"
2. I-click ang "Debt" sa "Item type"
3. Ilagay kung anong uri ng pera ang magiging utang (i.e. Gold) at ilagay kung ilan nito ang dapat bayaran ng kabilang panig
4. Piliin sa "Payback time" kung ilang araw pwedeng bayaran ang utang
5. I-click ang "Add item" na button


Ito na ngayon ang nilalaman ng kontrata:


Siyempre, kayo nang bahala kung anong laman ng kontrata. Pwede ring hatiin ang utang sa mas maliliit na utang para mas madaling mabayaran ng may utang sa 'yo (kailangang bayaran nang buo ang bawat utang, hindi pwedeng paunti-unti, na mahirap bayaran kung malaki na masyado). Baligtaran ito, maaaring ang kabilang panig ang magbibigay ng produkto at ikaw ang magbabayad, liban sa equipment (tingnan ang sunod na seksyon ng artikulo).

Ngayon ay pwede mo na itong i-propose. Sa seksyong "Propose contract":
1. Piliin ang kabilang panig sa "Propose to"
2. I-click ang button na "Propose"


Paalala: Tingnang mabuti ang nilalaman ng isang kontrata bago mag-propose. Maaaring may nalimutan kang idagdag dito, o may mali kang naidagdag.

Pagkatapos mong i-propose ang kontrata, makakatanggap ang kabilang panig ng notipikasyon:


Pagbebenta ng equipment

Maaari mo ring ibenta ang iyong sariling equipment gamit ang contracts. Hindi ito vice-versa: ang siyang may-ari ng equipment ang dapat gumawa ng kontrata. Walang "equipment" na "Product type" sa "Dummy citizen" side.

Upang magdagdag ng equipment sa kontrata:
1. Piliin ang iyong pangalan sa "Side"
2. Piliin ang "Equipment" sa "Item type"
3. Piliin ang equipment na nais ibenta sa baba ng "Equipment"
4. I-click ang "Add item" na button


Pagtanggap / Pagtanggi sa Kontrata

Paalala: Tingnang mabuti ang mga nilalaman ng mga kontrata upang maiwasang maloko ng mga mapagsamantalang tao! Tingnan kung parehas ng napag-usapan ang nakasaad dito.

Kung ikaw naman ay nakatanggap na ng notipikasyon tungkol sa kontrata, i-click ang "contract" sa notipikasyon (tingnan ang huling imahe sa seksyong "Paggawa ng Kontrata" ng artikulong ito) at ang katulad nito ay lalabas:


I-click ang "Accept" upang tanggapin ang kontrata, o "Decline" para tumanggi. Pagkatapos na tanggapin o tanggihan ang kontrata, magbabago ang "Contract status" nito.


Pagkatapos na tanggapin o tanggihan ang isang kontrata, makakatanggap ng notipikasyon ang nag-propose ng kontrata:


Pagkansela ng Kontrata

Kung hindi pa tinatanggap ng kabilang panig ang isang kontrata, maaari mo itong ikansela.

Pumunta sa Contracts page, hanapin ang seksyon na "Proposed contracts", i-click ang title ng kontrata na nais mong ikansela.


I-click ang button na "Cancel proposition" na button sa seksyon na "Cancel proposal".


Pagbibigay ng utang

Paalala: Magpautang lamang sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan! Tingnan ang profile ng kabilang panig bago magpautang, maaaring hindi na niya kayaning magbayad sa dami ng kanyang utang. Mahirap habulin ang mga utang na hindi nabayaran dahil maaaring wala nang laman ang account ng pinautangan mo at nailipat na sa iba.

Kapag nagpapautang, gumawa lamang ng kontrata na magdo-donate ng uutangin sa iyong side, at gawing utang naman ang nasa kabilang side (dito rin idinadagdag ang interes kung mayroon man). Kabaligtaran naman nito kung ikaw ang mangungutang. Narito ang isang halimbawa kung saan ako ay nangutang nang walang interes:


Para ikansela ang utang ng iba sa 'yo, pumunta sa Contracts page at hanapin ang seksyong "Your active loans". I-click ang "Cancel debt" sa kanan ng isang utang upang ikansela ito.


Paalala: Ang pagkansela sa isang utang ay hindi magbabalik sa naging kapalit nito (ang pera o gamit na pinautang)!

Pagkatapos na ikansela ang isang utang, makakatanggap ng notipikasyong ang may utang sa 'yo. No screenshot

Pagbabayad ng Utang

Paalala: Ang pag-iwas sa pagbabayad ng utang ay maaaring maging dahilan upang ikaw ay ma-ban, kung nais ng napagkautangan mo. Hindi ka makakagamit ng weapon at may iba pang pagbabawal kung ikaw ay may utang na lagpas sa due date at hindi pa nababayaran.

Upang magbayad ng utang, pumunta sa Contracts page at hanapin ang seksyong "Your active debts". I-click ang "Pay debt" na button sa tabi ng isang utang upang bayaran ito.


Pagkatapos na bayaran ang isang utang, makakatanggap ng notipikasyon ang nagpautang sa 'yo:


Ang haba 'no? Nagustuhan niyo ba? Lagay lang sa comments kung may suhestiyon kayo, para mabago ko ang article na 'to at ma-improve ang mga susunod pa.

Maraming salamat kay arnan na tumulong sa akin para sa screenshots Ganoon din kay Yamamoto Takeshi na siyang naging sponsor ng pahayagang ito

Previous article:
e-Sim for Newbies! (12 years ago)

Next article:
Military Units for New Players! (12 years ago)

ESim
or
Register for free:
Only letters, numbers, underscore and space are allowed (A-Z,a-z,0-9,_,' ')
Show more

By clicking 'Sign Up!', you agree to the Rules and that you have read the Privacy Policy.

About the game:


USA as a world power? In E-Sim it is possible!

In E-Sim we have a huge, living world, which is a mirror copy of the Earth. Well, maybe not completely mirrored, because the balance of power in this virtual world looks a bit different than in real life. In E-Sim, USA does not have to be a world superpower, It can be efficiently managed as a much smaller country that has entrepreneurial citizens that support it's foundation. Everything depends on the players themselves and how they decide to shape the political map of the game.

Work for the good of your country and see it rise to an empire.

Activities in this game are divided into several modules. First is the economy as a citizen in a country of your choice you must work to earn money, which you will get to spend for example, on food or purchase of weapons which are critical for your progress as a fighter. You will work in either private companies which are owned by players or government companies which are owned by the state. After progressing in the game you will finally get the opportunity to set up your own business and hire other players. If it prospers, we can even change it into a joint-stock company and enter the stock market and get even more money in this way.


In E-Sim, international wars are nothing out of the ordinary.

"E-Sim is one of the most unique browser games out there"

Become an influential politician.

The second module is a politics. Just like in real life politics in E-Sim are an extremely powerful tool that can be used for your own purposes. From time to time there are elections in the game in which you will not only vote, but also have the ability to run for the head of the party you're in. You can also apply for congress, where once elected you will be given the right to vote on laws proposed by your fellow congress members or your president and propose laws yourself. Voting on laws is important for your country as it can shape the lives of those around you. You can also try to become the head of a given party, and even take part in presidential elections and decide on the shape of the foreign policy of a given state (for example, who to declare war on). Career in politics is obviously not easy and in order to succeed in it, you have to have a good plan and compete for the votes of voters.


You can go bankrupt or become a rich man while playing the stock market.

The international war.

The last and probably the most important module is military. In E-Sim, countries are constantly fighting each other for control over territories which in return grant them access to more valuable raw materials. For this purpose, they form alliances, they fight international wars, but they also have to deal with, for example, uprisings in conquered countries or civil wars, which may explode on their territory. You can also take part in these clashes, although you are also given the opportunity to lead a life as a pacifist who focuses on other activities in the game (for example, running a successful newspaper or selling products).


At the auction you can sell or buy your dream inventory.

E-Sim is a unique browser game. It's creators ensured realistic representation of the mechanisms present in the real world and gave all power to the players who shape the image of the virtual Earth according to their own. So come and join them and help your country achieve its full potential.


Invest, produce and sell - be an entrepreneur in E-Sim.


Take part in numerous events for the E-Sim community.


| Terms of Service | Privacy policy | Support | Alpha | Luxia | Primera | Secura | Suna | Vexa | Sora | e-Sim: Countryballs Country Game
PLAY ON