Esim - Ang IRC at ang Pilipinas
Login:
Password:

Forgot password Register

Article


0
   
Report
This article is in preview mode and is not visible in the news section


Napapansin ko noong mga nakaraang araw na maraming hindi pa rin nakakaalam sa kahalagahan ng IRC sa pagpapatakbo ng ating gobyerno. Tulad noong mga nakaraang eleksiyon (at papalapit na naman - Congressional), isa sa mga pangunahing requirement ng mga nangungunang partido ang pagiging aktibo sa IRC.

Ang totoo, itinatago ng gobyerno (o mas maigi sigurong sabihing ang DoTC, na siyang Kagawaran na pinamunuan ko ng limang buwan) ang maraming detalye tungkol sa mga gawain sa IRC. Napangalagaan nito ang maraming plano ng gobyerno na kailangang mapanatiling sikreto hangga't hindi pa naipapatupad (tulad ng mga Declarations of War) pero naging kapalit naman nito ay hindi alam ng mga mamamayan kung paano pinamamahalaan ng gobyerno ang bansa.

Ninanais kong magbigay sulyap sa mga bahagi ng IRC na kalimitan nang hindi alam ng karamihan, pero siyempre, hindi ko pwedeng isiwalat lahat.

Una, pag-usapan natin ang DoTC, ang kagawarang namamahala sa mga channel ng ePilipinas.


Department of Technology and Communications

Ang kagawarang ito ay itinatag ni Pangulo Duoyiza sa panahon ng kanyang panunungkulan upang mangalaga sa mga paraan ng komunikasyon ng mga mamamayan, tulad ng IRC, Forum, Chatbox, Shouts at iba pa.

Ang pinakaunang Kalihim nito ay si kyoushuu , na naglingkod mula Disyembre noong nakaraang taon hanggang noong April 21. Ang kasalukuyang Kalihim ay si Don Horhe , na siyang dating Ikalawang Kalihim ng naturang Kagawaran.

Ang mga gawain ng DoTC ay nagsimula pa noong panahon ni Pangulo jansuing ngunit naging pormal na bahagi lamang ng gabinete noong panahon ni Pangulo Duoyiza .

Ang DoTC ang nagpapasa ng ownership ng mga channels natin sa IRC kapag may bagong upong Pangulo.


Main Channel - #e-sim.ph

Simulan muna natin sa channel na pinakaalam ng marami: ang main channel.

Dito nag-uusap ang marami sa mga mamamayan ng bansa. Pinapayagan ang iba't ibang uri ng usapan dito basta't hindi masyadong magulo (lalo na kapag may Baby Boom). Ang Kalihim ng DoTC at ilang mga piling taong hinirang niya ang nagbabantay sa channel, na nagpapataw ng bans o kicks kung kailangan.

Dito rin pwedeng magtanong ang mga new players. Hintay lang kayo, usually aabutin talaga ng ilang minuto bago masagot ang mga tanong.


Daldalan Channel - #PH.Daldalan

Kapag masyadong magulo sa main channel, dito pinapatambay ang karamihan.


DoTC Channel

Ito ang opisina ng Kalihim ng DoTC. Dito tine-testing ang mga bot na sina mirai-chan at ene-chan (kung kilala niyo sila) na ginagamit ng Hukbo. Pwedeng tumambay, as long as susundin niyo ang rules sa topic ng channel (especially yung "forbidden command" na kailangan ng permiso bago gamitin).


Hukbo Recruitment Channel

Ang mga nag-a-apply sa Hukbo ay dito ini-interview. Minsan ay dito nagmi-meeting ang mga AFP Officers (bawal pumasok kapag may meeting).


AFP Channel - secret channel

Dito pumupunta ang mga miyembro ng Hukbo upang kumuha ng supplies at dito rin nagko-coordinate para sa mga laban ng Pilipinas. Pinasimulan (o ng mas nauna pa) noong panahon ni Pangulo yujn , naitiwalag noong panahon ni Pangulo jansuing at muling ibinalik pag-upo sa puwesto ni Pangulo Rec .

Ang mga officers ng AFP ang namumuno sa channel na ito (kilala rin bilang mga Military Commanders at Supply Officers, MC/SO). Sila ang nagdedesisyon kung saan dapat lumaban ang mga State MUs, kung ano ang ipapataw na parusa, kung sino ang maaaring sumali at tanggalin, at iba pa.


Batasan Channel - secret channel

Dito naman nag-uusap ang mga congressman, cabinet members at military commanders ng bansa.

Ang DoTC ang namamahala sa pagpapapasok sa mga congressman (requirement: nag-donate ng 5G na pork barrel sa kaban ng bansa). Lahat ng nananalong congressman ay pinapadalhan ng imbitasyon para malaman nila kung paano makapasok (at least ng panahon ko ). Piling mga tao lamang ang pinapapasok dito.

Pinagawa ang channel na ito noong panahon ni Pangulo jansuing at mga piling congressman lamang dati ang pinapapasok para maiwasan ang mga "espiya" (dito nagsimula ang tradisyon na pagsi-sikreto ng DoTC sa mga IRC Channel, dami kasing nagtatanong at gustong pumasok).

Noon ay kalimitang ginagamit lamang ito kapag may meeting, pero noong panahon ni Pangulo Rec , pinatigil na ang mga scheduled meetings (since kaunti lang naman ang dumadalo, maging noong panahon ni Pangulo jansuing ). Inaasahan nang lagi na lamang pumunta ang mga congressman sa halip na mag-iskedyul ng meeting (na nangyayari na lang kung may emergency). Ito ang dahilan kaya required na active sa IRC ang mga congressman.

Kapag may gustong ipatupad ang mga congressman, kailangan nilang mag-propose at magbobotohan ang iba pang mga congressman. Kung marami ang kulang, muling itinutuloy ang botohan pagkalipas ng ilang oras hangga't makaabot sa isang desisyon. Kung urgent ang isang botohan, pinapadalhan ng mensahe ang mga congressman para papuntahin sa Batasan.

Dito rin inuutos ng Pangulo ang mga donation at iba pang laws, kaya kung wala ka sa batasan, hindi mo malalaman kung para saan yung mga donation . Kalimitan nang dito rin pinag-uusapan kung paano gumagalaw ang mga pera ng mga Orgs, kung saan ang mga Kalihim ang siyang gagawa ng mga transaksiyon. For example, dito nagre-request ang mga AFP Officers ng budget para sa supplies ng Hukbo.

Ang mga meetings ng AFP Officers ay kalimitang dito rin ginaganap tulad ng mga proposals (mga pagbabago sa Hukbo, parusa para sa pasaway na members, military plans, etc.), liban sa botohan kung tatanggapin ang isang bagong MC/SO o sa botohan sa deliberations ng members ng Hukbo. Siyempre, hindi ka pwedeng bumoto kung hindi ka naman MC o SO, kahit na congressman ka pa. Ang bawat officer ng AFP ay pwedeng bumoto o mag-abstain, pantay-pantay ang bawat boto at kailangang majority ang pumayag bago ipasa ang isang proposal sa AFP.

"What you see, what you hear, when you leave, leave it here" ang pinakaimportanteng rule sa batasan. Huwag na kayong magtanong kung pwede kayong makapasok, dahil kung pwede, eh 'di sana nasa loob na kayo (ikaw mismo ang iimbitahan). Maging channel name ng batasan ay sikreto


Malacanang Palace - secret channel

Ginamit lamang ito noong panahon ni Pangulo jansuing upang lalo pang masiguro na walang lalabas na sikreto ng bansa. Kalimitang gabinete lamang ang narito. Ang mga kalimitang ginagawa noon dito ay sa Batasan na ginagawa.

Previous article:
Isang Programa ng Paggantimpala para sa mga Pribadong Yunit Militar: (12 years ago)

Next article:
Salamat sa boto! 5th Congress Medal, Yum Yum (11 years ago)

ESim
or
Register for free:
Only letters, numbers, underscore and space are allowed (A-Z,a-z,0-9,_,' ')
Show more

By clicking 'Sign Up!', you agree to the Rules and that you have read the Privacy Policy.

About the game:


USA as a world power? In E-Sim it is possible!

In E-Sim we have a huge, living world, which is a mirror copy of the Earth. Well, maybe not completely mirrored, because the balance of power in this virtual world looks a bit different than in real life. In E-Sim, USA does not have to be a world superpower, It can be efficiently managed as a much smaller country that has entrepreneurial citizens that support it's foundation. Everything depends on the players themselves and how they decide to shape the political map of the game.

Work for the good of your country and see it rise to an empire.

Activities in this game are divided into several modules. First is the economy as a citizen in a country of your choice you must work to earn money, which you will get to spend for example, on food or purchase of weapons which are critical for your progress as a fighter. You will work in either private companies which are owned by players or government companies which are owned by the state. After progressing in the game you will finally get the opportunity to set up your own business and hire other players. If it prospers, we can even change it into a joint-stock company and enter the stock market and get even more money in this way.


In E-Sim, international wars are nothing out of the ordinary.

"E-Sim is one of the most unique browser games out there"

Become an influential politician.

The second module is a politics. Just like in real life politics in E-Sim are an extremely powerful tool that can be used for your own purposes. From time to time there are elections in the game in which you will not only vote, but also have the ability to run for the head of the party you're in. You can also apply for congress, where once elected you will be given the right to vote on laws proposed by your fellow congress members or your president and propose laws yourself. Voting on laws is important for your country as it can shape the lives of those around you. You can also try to become the head of a given party, and even take part in presidential elections and decide on the shape of the foreign policy of a given state (for example, who to declare war on). Career in politics is obviously not easy and in order to succeed in it, you have to have a good plan and compete for the votes of voters.


You can go bankrupt or become a rich man while playing the stock market.

The international war.

The last and probably the most important module is military. In E-Sim, countries are constantly fighting each other for control over territories which in return grant them access to more valuable raw materials. For this purpose, they form alliances, they fight international wars, but they also have to deal with, for example, uprisings in conquered countries or civil wars, which may explode on their territory. You can also take part in these clashes, although you are also given the opportunity to lead a life as a pacifist who focuses on other activities in the game (for example, running a successful newspaper or selling products).


At the auction you can sell or buy your dream inventory.

E-Sim is a unique browser game. It's creators ensured realistic representation of the mechanisms present in the real world and gave all power to the players who shape the image of the virtual Earth according to their own. So come and join them and help your country achieve its full potential.


Invest, produce and sell - be an entrepreneur in E-Sim.


Take part in numerous events for the E-Sim community.


| Terms of Service | Privacy policy | Support | Alpha | Luxia | Primera | Secura | Suna | Sora | Magna | Pangea | e-Sim: Countryballs Country Game
PLAY ON