Esim - The Deal for the Filipino People (Article 14 5/14/14)
Login:
Password:

Forgot password Register

Article


26
   
Report




[PUBLISHER'S NOTES:
Magandang Araw.

Isang buwan na ang nakararaan mula nang naisulat ko ang aking pinakahuling artikulo. Pagkatapos noon, hindi na ako nagsulat. Tinamad ako. Medyo nakakapagod magsulat ng mga mahahabang artikulo na sasabihan lang ng TLDR ng mga tao sa comment box. Nakakapagod din kasi busy ako sa RL at nakakapagod kasi mukha ka lang tanga sa harapan ng mga tao na parang sirang plaka. Nagsa-suggest ka ng pagbabago pero walang pumapansin.

Pero ngayon, napagisip-isip ko na ang boring ng buhay kapag status quo ang lahat. Kaya eto ako ngayon, muling nagsusulat.]


***************************************************************************


Naging saksi ang nakaraang Congressional Elections sa patuloy na oligarkiya na nagaganap sa ating bansa. Alam natin na umabot ng halos 60 ang nag-file ng kanilang kandidatura ngunit 24 lamang ang pinayagang kumandidato sa mga ito. See the LAST CONGRESSIONAL ELECTIONS. Sa 24 ito, siyempre i-expect natin na 20 na sa kanila kaagad ang panalo. Sa 20 ito, halos 3/4 sa kanila ang either Junji o 'di kaya naman ay mga kapanalig nila.

Eh tutal ayaw niyo nga palang magbasa ng mahabang article kaya magiging brief at prangka ang mga pahayag ko. Hindi ko sinasabing incompetent, mediocre or whatsoever ang mga miyembro ng Junji. Actually, naging idol ko nga sila lalo na noong first days ko dito sa e-Sim pero malaking mali pa din ang i-monopolize nila ang kapangyarihan. Para saan pa ang voting process kung sila-sila rin lang ang tumatakbo. Ano ito, lokohan?

Isa sa mga pangunahing dahilan na naririnig ko kaya patuloy nilang minamanipula ang listahan ng mga tumatakbo ay para daw hindi pasukin ng mga tinatawag nilang "bano" ang Batasan. Nagtataka lang ako, hindi ba sila dumaan sa pagiging bano? At saka paano naman nila mapapatunayan na bano ang isang player kung hindi pa nga nilalabas ng player ang kanyang potensiyal. Hindi porke't hindi active sa IRC ng Pilipinas, bano na kaagad. Pwede kasing ayaw lang bumisita kagaya ko.

At sa 20 na kongresista natin ngayon, tanungin niyo ang mga sarili niyo, sinu-sino ba sa kanila ang mga talagang approachable sa IRC. Kapag sinabi nating approachable, 'yung hindi lang forever online sa IRC at walang ginawa kundi ang magpa-V+S lang. Ang totoong approachable, kapag tinanong sa IRC, sumasagot. Kapag may kailangan, tumutulong.

Hindi ba kayo nagtataka na sa kahit anong baby-boom efforts natin at ng mga GOA ay bakit nanatili pa din ang populasyon ng ePilipinas na maliit. Kung tutuusin, ang laki-laki ng netizen population ng Pilipinas sa RL pero ang mga naglalaro ng game na ito ay wala pang 600. Kahit sabihin pang bulok ang game na ito compared to others, alam ko at alam niyo na may ilalaki pa ang headcount natin. Pero bakit ganito?

Itanong niyo sa mga binoboto niyo kung bakit. Actually, sa kanilang lahat na nakaupo ngayon sa kasalukuyan, tatlo o apat lang halos lang ang masasabi kong functional enough. Sa mga natira, kalahati ang mga mayayabang at arogante at kalahati naman ang nakaupo lang dahil nga either pasikat sila sa IRC or other reasons.

At saka sa palagay ko ay hindi din nila dapat pinagmamayabang na sa panahon nila nagkaroon ng expansionism ang Pilipinas lalo na kung mga pawn lamang ng chess ang tingin nila sa mga miyembro ng Sandatahan. Unang punto, kapag may mga labanan at mga tournament, hindi lang naman sila ang naghi-hit at nagka-clutch bagkus lahat ng mamamayang Pilipino ay sumasama sa labanan. Pangalawa, anong aasahan mong laban ng mga bansang katabi natin sa dami natin lalo na ang South Korea at Canada. At pangatlo, kahit na sabihin natin na ine-enjoy natin ang pagiging miyembro ng WTF, tuta pa rin tayo ng mga Chinese at sa nakikita ko, nagpaplastikan lang ang mga bansang kasapi ng WTF. Kumakapit lang silang lahat sa matatag. Sa totoo lang, nakikita kong pulpol at inefficient ang foreign policy natin.

Sa totoo lang din, hindi sa nambibintang pero who knows kung corrupt ba sila. Pagdating pa naman ng pera sa Philippines Org at sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas mula sa National Treasury, kakaunting mga mata na lang ang nakakakita kung saan napupunta ang inventory. Sa mga naexperience ko sa Suna, kahit na CM ka o Military Commander ka ng state MU, madalas, limitado pa din ang data na pwede mong makalap kung paano pumapasok at lumalabas ang pera sa mga Org accounts ng gobyerno. Who knows?


***************************************************************************


Ngayong 15 ng Mayo, tatakbo ako bilang Chairman ng New World Party . Rerepormahin ko ang partidong ito at babaguhin ko ang pangalan nito upang maging "Socialist Democratic Party of the Philippines".




Official Party Flag of the SDPP


Ang partidong ito ay itatayo natin mula sa ideals ng PAGKAKAPANTAY-PANTAY at pagiging MAKABAYAN. Lalabanan natin ang kasalukuyang mapang-aping sistema.

Sa ngayon, ang tanging limang partido na may pinakamararaming miyembro lamang ang maaring makapag-field ng kandidato sa pagka-kongresista tuwing 25 ng kada buwan. Sa limang partidong na nangunguna sa ePilipinas, tatlo sa mga ito ang hawak ng Junji at isa naman ang hawak ng private MU. Dahil dito, madali nilang nafi-filter kung sinu-sino lang ang mga patatakbuhin nila sa puwesto.

Para masira ang ganitong sistema. wala tayong magagawa kundi ang sumabay sa agos.

Sa ngayon, ang headcount ng nahuhuli sa limang nangungunang partido ngayon ay nasa 30 lamang. Maliit lamang ito kaya sa palagay ko,kung makakakuha lamang tayo ng sapat na bilang, kaya nating mapabilang sa Top 5 Parties na maaring makapag-field ng kandidato para sa pagka-kongresista.

Kung magagawa natin ito, ito ang mga magiging plano ko. Nais ko sana na magfi-field sa darating na eleksyon sa Mayo 25 ang partido natin ng 10 kakandidato para sa pagka-congressman.

Ito ang mga magiging REQUIREMENTS sa mga mapipili kong i-field:

1. May tig-isa nang worker's at super soldier medal. Mahalaga 'yun para hindi masabing minion at mapatunayan na active ngang manlalaro ang nais na kumandidato.

2. May plataporma. Nais ko na ang lahat ng mga nais na kumandidato sa ilalim ng ating partidong itatayo ay maghain ng tig-iisang plataporma nila na nais nilang mangyari. Ok lang magbigay ng "out-of-this-world" na mga plataporma basta tiyakin niyo na ang lahat ng mga maiisip ninyo ay feasible enough at posibleng ma-implement. Naisip ko ang bagay na ito dahil tuwing 25 na lang nang kada buwan, bumabaha ng mga articles pero walang ibang laman ang lahat ng mga ito kundi pawang pagpapasikat lamang. Hinihiling ko na ang lahat ng nais kumandidato ay gumawa ng kani-kanilang mga sariling pahayagan na kung saan ay doon nila ipa-publish ang kanilang mga plataporma.

3. Susunod sa tradisyon ng pagdo-donate sa National Treasury ng 5G na maa-accumulate nila mula sa pagkakapanalo sa eleksiyon.

4. Susunod at ipaglalaban ang mga ideolohiya na ipinaglalaban ng partido.


Sa inyo na mga nakaupo ngayon sa puwesto na nakakabasa nito, kung inaakala ninyo na hindi kami magiging mabigat na balakid sa inyo lalo pa't kontrolado niyo naman ang Sandatahan at ang DTI, nagkakamali kayo dahil titiyakin namin na magiging malaki kaming tinik sa mga lalamunan ninyo. ISA ITONG BANTA. Sa oras na nagawa namin ang planong ito, haharangin namin ang lahat ng mga ipapasang batas sa Batasan lalong-lalo na ang mga may kinalaman sa mga money donation na ipapasa ninyo. Magpapatuloy ito hangga't hindi kayo nagbabago.

SA LAHAT NG PAGOD NA AT SAWA NA SA NABUBULOK NA SISTEMA, INAANYAYAHAN KO KAYONG SUMALI SA KILUSAN. ITO ANG AKING DEAL SA MAMAMAYANG PILIPINO. SAMA-SAMA TAYONG MAGHANGAD NG PAGBABAGO. MABUHAY ANG PILIPINAS.

***************************************************************************


Added Readings: Joy And Pain's Article

[PUBLISHER'S NOTES: Hindi ko sadya na manakit ng damdamin ng aking kapwa. Pero kung may mga nasaktan, sorry. Kung walang magsasalita, magpapatuloy ang mga kamalian sa kasalukuyan. Pasensiya na din dahil sa kawalan ng graphics ng artikulo ko, matrabaho ang mag-Photoshop at busy ako. Bato-bato sa langit, tamaan sana lahat ng dapat tamaan.

Sa lahat ng mga may katanungan, pwede niyo akong i-PM o 'di kaya ay sa makakausap niyo din ako sa IRC. Pero hindi niyo ako makikita sa IRC ROOM ng Pilipinas. Makikita niyo akong pakalat-kalat sa #Strade, #Ngola at sa #Blackwater.Corp from 7PM onwards.]


Previous article:
PARANG MAY MALI (3/30/14 Article 13) (11 years ago)

Next article:
KALOKOHAN Ang Civil War (5/18/14 Article 15) (11 years ago)

ESim
or
Register for free:
Only letters, numbers, underscore and space are allowed (A-Z,a-z,0-9,_,' ')
Show more

By clicking 'Sign Up!', you agree to the Rules and that you have read the Privacy Policy.

About the game:


USA as a world power? In E-Sim it is possible!

In E-Sim we have a huge, living world, which is a mirror copy of the Earth. Well, maybe not completely mirrored, because the balance of power in this virtual world looks a bit different than in real life. In E-Sim, USA does not have to be a world superpower, It can be efficiently managed as a much smaller country that has entrepreneurial citizens that support it's foundation. Everything depends on the players themselves and how they decide to shape the political map of the game.

Work for the good of your country and see it rise to an empire.

Activities in this game are divided into several modules. First is the economy as a citizen in a country of your choice you must work to earn money, which you will get to spend for example, on food or purchase of weapons which are critical for your progress as a fighter. You will work in either private companies which are owned by players or government companies which are owned by the state. After progressing in the game you will finally get the opportunity to set up your own business and hire other players. If it prospers, we can even change it into a joint-stock company and enter the stock market and get even more money in this way.


In E-Sim, international wars are nothing out of the ordinary.

"E-Sim is one of the most unique browser games out there"

Become an influential politician.

The second module is a politics. Just like in real life politics in E-Sim are an extremely powerful tool that can be used for your own purposes. From time to time there are elections in the game in which you will not only vote, but also have the ability to run for the head of the party you're in. You can also apply for congress, where once elected you will be given the right to vote on laws proposed by your fellow congress members or your president and propose laws yourself. Voting on laws is important for your country as it can shape the lives of those around you. You can also try to become the head of a given party, and even take part in presidential elections and decide on the shape of the foreign policy of a given state (for example, who to declare war on). Career in politics is obviously not easy and in order to succeed in it, you have to have a good plan and compete for the votes of voters.


You can go bankrupt or become a rich man while playing the stock market.

The international war.

The last and probably the most important module is military. In E-Sim, countries are constantly fighting each other for control over territories which in return grant them access to more valuable raw materials. For this purpose, they form alliances, they fight international wars, but they also have to deal with, for example, uprisings in conquered countries or civil wars, which may explode on their territory. You can also take part in these clashes, although you are also given the opportunity to lead a life as a pacifist who focuses on other activities in the game (for example, running a successful newspaper or selling products).


At the auction you can sell or buy your dream inventory.

E-Sim is a unique browser game. It's creators ensured realistic representation of the mechanisms present in the real world and gave all power to the players who shape the image of the virtual Earth according to their own. So come and join them and help your country achieve its full potential.


Invest, produce and sell - be an entrepreneur in E-Sim.


Take part in numerous events for the E-Sim community.


| Terms of Service | Privacy policy | Support | Alpha | Luxia | Primera | Secura | Suna | Sora | Magna | Pangea | e-Sim: Countryballs Country Game
PLAY ON