(If you want to read this article in English, kindly click here . Thank you.)
Malapit na naman ang panahon ng halalan. Sa panahong ito, mahahasa na naman ang ating isipan sa pagkilatis at maririndi na naman ang ating mga tenga sa mga pangangampanya. Hindi ito basta-basta eleksyon lamang dahil sa pagkakataong ito, ang pinakakataas na puwesto sa pamahalaan ng ePilipinas ang magiging bakante at pag-aagawan ng mga iilang naghahangad na paglingkuran ang ating bansa.
May mga naglahad na ng kanilang interes sa pagtakbo sa pagkapangulo. May ibang nagpasa na ng kanilang kandidatura. May ilan pang nagdadalawang-isip kung sasali ba sila sa karera o hindi. Ngunit sa lahat ng mga taong nagbabalak maging presidente ng ePilipinas, iisa lang ang mananalo at kailangan niyang gampanan ang napakalaking responsibilidad bilang pangunahing pundasyon ng ePilipinas.
Bilang mga botante, kailangan nating maging metikuloso o higpitin at taasan ang ating pamantayan sa pamimili lalo na't ang iboboto natin ay ang magiging susunod na haligi ng ating bansa. Narito ang ilan sa mga kailangang malaman ng taumbayan tungo sa pagpili mula sa mga kakandidato sa pagkapangulo ng ePilipinas:
1) HUWAG BASTA HUMUSGA AYON SA NASYONALIDAD NG KANDIDATO. Mahirap nang mapasailalim tayo sa isang dayuhang hindi man lamang alam ang tunay na interes at hangarin ng kanyang mga nasasakupan. Mahirap ding mapasailalim tayo sa isang ePilipinong walang tuwid na layunin para sa buong ePilipinas.
2) ALAMIN ANG KANYANG MGA GUSTONG MANGYARI SA BANSA. Dapat may mga PLATAPORMANG hindi lamang naaayon sa iilan, kundi dapat ay NAAAYON SA KAPAKANAN NG SAMBAYANAN. Tingnan kung ang kanyang mga ninanais ay tungo sa ikauunlad ng ePilipinas at hindi lamang tungo sa kanya at sa kanyang mga kaalyado.
3) KILATISIN KUNG MAPAGKAKATIWALAAN ANG ISANG KANDIDATO O HINDI. May nagawa na ba siya kay Inang Bayan? May naitulong na ba siya sa mga tao? Marunong ba siyang makihalubilo sa kanyang nasasakupan o palaging nakatiklop ang bibig sa paghatid ng mga salita sa tao? Huwag basta kumilatis sa mukha o katayuan sa buhay. Huwag basta magdesisyon kung siya'y baguhan pa lamang o batikan na. PALALIMIN ANG PAG-IISIP.
4) SUKATIN ANG TIBAY NG PANLOOB NA KATAYUAN NG ISANG KANDIDATO. Mukha ngang matatag ang kandidato sa panlabas na katayuan at sa kanyang mga hangarin sa ePilipinas, pero matatag din kaya ang kanyang kalooban? Kapag dumating ba sa isang krisis ang ePilipinas, siya ba ay magiging kalmado o siya ay matataranta? Kapag nagkaroon ba ng giyera sa mga teritoryo ng ePilipinas, magiging matibay ba siya at susulong o bibigay at aatras na lamang?
Bukod sa mga ito, narito pa ang ibang payo at babala na malamang ay narinig at nasabi na sa inyo, pero sasabihin ko na rin para sa kapakanan ng nakararami:
5) HUWAG PADADALA SA MAGAGANDANG SALITA NG MGA KANDIDATO. Tandaan na ang mga salita ay mabulaklak pero nakamamatay. Maging mapagmatiyag sa sinasabi ng mga tatakbo sa eleksyon. Piliin ang taong may puso sa paglilingkod sa bayan at may utak na may pagmamalasakit sa kapwa.
6) HUWAG PADADALA SA SUHOL. Ipagpapalit mo ba ang pangmatagalang kaginhawaan sa panandaliang kaligayan? Mag-isip ng mga pangmatagalang bagay, huwag yung mga panandaliang bagay na agad nawawala at naglalaho na parang bula.
7) BUMOTO NANG NAAAYON SA KONSENSYA, HINDI DAHIL NADAAN SA PANGONGONSENSYA. Huwag pabibigay sa mga pananakot ng nga kandidato. Maging matapang.
Ang iyong boto ay magiging susi tungo sa kaunlaraan ng ePilipinas. Maaaring napakaliit kung ikukumpara sa laki ng populasyon ng ePilipinas, pero malaki ang magiging epekto nito sa magiging tahak ng bansa.
Huling paalala: BUMOTO KAYO!Ipaglaban mo ang iyong karapatan bilang isang botante. Sa mga magtatangkang hindi boboto, huwag kayong magrereklamo sa mga taong mananalo kapag lumabas na ang resulta ng halalan. Magsasalita na lamang kayo kapag huli na ang lahat. Ganyan ba ang taong may malasakit sa bayan; nagwawalang-bahala lamang sa panahong kailangang magpasya, tapos puro paninira na lamang ang bukambibig kapag wala nang magawa?
Masyado bang maaga para gawin ang artikulong ito na tungkol sa halalan? DAPAT LANG. Para makapag-isip-isip na ang taumbayan bago mahuli ang lahat...
In E-Sim we have a huge, living world, which is a mirror copy of the Earth.
Well, maybe not completely mirrored, because the balance of power in this virtual world looks a bit
different than in real life. In E-Sim, USA does not have to be a world superpower, It can be
efficiently
managed as a much smaller country that has entrepreneurial citizens that support it's foundation.
Everything depends on the players themselves and how they decide to shape the political map of the
game.
Work for the good of your country and
see it rise to an empire.
Activities in this game are divided into several modules.
First is the economy as a citizen in a country of your choice you must work to earn money, which you
will get to spend for example, on food or purchase of weapons which are critical for your progress
as a fighter.
You will work in either private companies which are owned by players or government companies which
are owned by the state.
After progressing in the game you will finally get the opportunity to set up your
own business and hire other players. If it prospers, we can even change it into a joint-stock
company and enter the stock market and get even more money in this way.
In E-Sim, international wars are nothing out of the ordinary.
"E-Sim is one of the most unique browser games out there"
Become an influential politician.
The second module is a politics. Just like in real life politics
in E-Sim are an extremely powerful tool that can be used for your own purposes.
From time to time there are elections in the game in which you will not only vote, but also have the ability
to run for the head of the party you're in.
You can also apply for congress, where once elected you will be given the right to vote on laws
proposed by your fellow congress members or your president and propose laws yourself.
Voting on laws is important for your country as it can shape the lives of those around you.
You can also try to become the head of a given party, and even take part in presidential
elections and decide on the shape of the foreign policy of a given state
(for example, who to declare war on).
Career in politics is obviously not easy and in order to succeed in it, you have to have
a good plan and compete for the votes of voters.
You can go bankrupt or become a rich man while playing the stock market.
The international war.
The last and probably the most important module is military.
In E-Sim, countries are constantly fighting each other for control
over territories which in return grant them access to more valuable raw materials.
For this purpose, they form alliances, they fight international wars, but they also have
to deal with, for example, uprisings in conquered countries or civil wars, which may explode on
their territory.
You can also take part in these clashes, although you are also given the opportunity to lead a life
as a pacifist
who focuses on other activities in the game (for example, running a successful newspaper or selling
products).
At the auction you can sell or buy your dream inventory.
E-Sim is a unique browser game.
It's creators ensured realistic representation of the mechanisms present
in the real world and gave all power to the players who shape the image of the virtual Earth
according to their own.
So come and join them and help your country achieve its full potential.
Invest, produce and sell - be an entrepreneur in E-Sim.
Take part in numerous events for the E-Sim community.